Ngayon lamang niya napatunayan, mahirap nga palang sawayin ang puso. To be exact, ang kahawig ni Roldan ay ang hinahangaan niyang Hollywood actor: ang tindig, ang pangangatawan, ang alun-along buhok, at ang magandang set ng ngipin. Perfect! Ngunit hindi ito ang pinapangarap ni Peachy na guwapo at mayaman. Gayunpaman ay nag-care pa rin siya sa binata--at nang matutunan na niya itong mahalin ay saka niya natuklasan ang tunay nitong pagkatao. Noon niya napagtantong mas nami-miss niya ang "ordinaryong" Roldan kaysa sa mayamang Roldan. Natuliro't nagdalawang isip ang damdamin niya--at ang kinailangan niya nang mga sandaling iyon ay isang mapang-unawang pusong manggagaling mismo kay... Roldan.