Hinarang ni Sandro si Katrina sa pag-aakalang tangkang nakawin ng dalaga ang kabayong si Four Winds. Galit na galit si Katrina lalo pa nang bilang parusa y hagkan at yakapin siya ng lalaki. Ninais niyang paalisin sa farm si Sandro noon din ngunit may panlaban ito. Walang magawa si Katrina kundi pagtiisan ang presensiyang lalaki. Kahit hindi niya matanggap sa sariling wala siyang kakayahang iwasan ang mga yakap at halik nito.