Para kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paano niya haharapin ang kanyang iniwanan kung sakaling babalik siya? Paano niya haharapin ang lahat kung masasaktan siya sa mangyayari at hindi lamang siya ang masasaktan kung hindi pati na rin ang lahat ng mahal niya sa buhay? Haharapin pa kaya niya ito? -- Cover by: Adrian Gaviola