Magbuhat nang mamatay ang mga magulang ni Trixie ay pinalayas na ito ng kanyang mga kapatid dahil tingin nila kay Trixie ay isang malas dahil simula ng ipanganak ito ay unti unti silang nabaon sa utang dahil sa sakit nyang asthma. Umalis si Trixie na walang dala na kahit ano dahil wala daw karapatan si Trixie sa kanyang pag aari, napadpad si Trixie sa bahay ampunan ngunit hindi sya doon nagtagal sapagkat madalas itong awayin dahil sa pagiging mahina at mahiyain nito. Nakilala sya ni Brianna sa isang restaurant at doon ay kinupkop sya bilang isang kapatid. Dahil kay Bri ay nakilala nya ang isang lalaking may madilim na nakaraan, isang lalaking hindi marunong magmahal at sya ang nagmamay ari ng NICHOLAS' HOTEL AND RESTAURANT ito ay walang iba kundi si Alexis Sun Nicholas. Ano ang magiging papel sa buhay ni Alexis si Trixie? Matutulungan kaya ni Trixie si Alexis na makalimot sa kanyang nakaraan? Matututunan bang muli ni Alexis ang magmahal? At sila kaya ang magkatuluyan?