Si Carmen Elizabeth Quintanilla ay isang babaeng nakatuon lamang sa pag-aaral. Walang ibang pwedeng makaabala sa kaniyang pag-aaral kundi ang kaniyang pagtuturo sa math club at ang kaniyang kahiligang maging isang aktres sa theatre club.
Ang kaniyang mga mata ay nakatutok lamang sa kaniyang mga libro. Sa kaniyang angking talino, kayang-kaya niyang sagutin ang mga tanong na may hilig sa akademya.
Ngunit, kaya niya rin bang sagutan ang tanong patungkol sa pag-ibig? Sa pagtatahak niya nitong panibagong daan, kakayanin kaya ng puso niyang ipagpatuloy ang pag-ibig? O sa hinaharap ito ay magiging isang masayang gunita na lamang na kaniyang iku-kuwento?
SHORT STORY WRITTEN IN FILIPINO
[ctto. of the bg used for the book cover]
© 2023 actayrus.
All Rights Reserved