Bakit nga ba bawal mahulog sa kaibigan? O, bakit hindi na lang pagbigyan ang pag-ibig ng bawat isa? Kung parehas naman ang tinitibok ng mga puso? Si Reyster ay isang tahimik na binatilyo, habang si Eunice ay magulo ang buhay. Parehas sila na may ipaglalaban, pagdating sa utak dahil parehas naman sila masipag sa pag-aaral. Ngunit paano nga ba sila nagsimula maging magkaibigan? Suportado nila ang bawat isa, sandalan ni Eunice si Reyster sa mga problema nito. Pero, paano kung para sa isang pangarap, ay kailangan may maiwan para matupad ito? Matatagumpayan kaya nila na panatilihin ang pagkakaibigan hanggang sa huli, o maibabaon na lang ito sa limot? HORIZON SERIES; REYSTER YTON (4-12-24)