"Some memories are forgotten for a reason. Some dreams are warnings."
Akala ni Zastana ordinaryong third year college student lang siya sa BS Psychology. Ang iniisip lang niya ay quizzes, research papers, at ang masayang araw kasama ang kanyang barkada-sina Eli, Annielyn, Carina, Marco, KD, Emman, Brent., at ang bagong kaibigan na si Rain.
Pero nagbago ang lahat nang makakita sila ng isang lumang envelope na may kaugnayan sa isang misteryosong research project na matagal nang itinago ng kanilang unibersidad-"Project Ravenwood".
Habang unti-unti nilang binubuo ang mga piraso ng nakaraan sa pamamagitan ng mga lumang litrato, cassette tapes, journals, at isang silver key, mas marami rin silang natutuklasang tanong kaysa sagot.
Ano ba talaga ang nangyari sa Ravenwood Estate noong 1998?
Bakit biglang isinara ang Project Ravenwood?
At bakit tila may mga alaalang hindi nila kailanman naranasan... pero pakiramdam nila ay matagal na nilang alam?
Sa paghahanap ng katotohanan, masusubok ang kanilang tiwala sa isa't isa, ang kanilang pagkakaibigan, at maging ang sarili nilang mga alaala.
Dahil minsan...
Ang pinakamapanganib na bagay ay hindi ang nakatago sa dilim-kundi ang alaalang pilit mong sinusubukang balikan.
All Rights Reserved