10 parts Ongoing MatureDARK-FANTASY (r-18)
Pinabalik si Sol sa palasyo para maging isang ganap na prinsipe. Isinilang siyang panglabingtatlo kaya itinuring siyang malas at hindi dapat na binuhay pa, pero dahil sa pagkamatay ng isang kapatid niya'y bibigyan siya ng puwesto bilang ikalabingdalawa. Nakipaghiwalay si Sol ng landas kay Helios, para bumalik ito sa kanyang malakas at karapat-dapat sa kanyang tabi, at ang pangako nila sa isa't isa ay kukunin nila ang trono ng hari at babawiin lahat-lahat ng ipinagkait kay Sol.
Ngunit sa kanilang paghihiwalay, may mga gustong kumuha kay Sol dahil sa hitsura't katawan nito, habang si Helios ay nagdidilig ng pawis, luha at dugo sa pagsasanay sa mala-impiyernong lugar ng Zone 66, si Sol ay itinakda naman ang kasal ng hari sa kaalyado nitong kaharian.