International Billionaire's Batch 2: The Wannabe Series : Francis Valencia

International Billionaire's Batch 2: The Wannabe Series : Francis Valencia

  • WpView
    Reads 10,277
  • WpVote
    Votes 231
  • WpPart
    Parts 23
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Jul 6, 2024
Isang sikat na international model si Marisa Ferreira. Bahagi ang kanyang ama ng isang sikat na grupong tinatawag na "International Billionaires." Nasa kanya na halos ang lahat. Pero sobra siyang nasaktan nang bukod sa niloko ng boyfriend, pina-kidnap pa siya nito dahil sa pera. Kaya bigla siyang napauwi sa Pilipinas at doon ipinasyang mag-move on. Nagdesisyon siya na magbakasyon muna sa isang exclusive resort sa Batangas. Pero sa lugar na iyon ay nagbalik ang kanyang nakaraan nang magtagpo uli ang landas nila ng kababata at dating crush na si Francis. Na-realize ni Marisa na bata pa lang ay may taste na siya. Napakaguwapo ni Francis and it was so easy to be instantly attracted to him. Lalo na nang inalagaan at pinoprotektahan siya ng lalaki. He was the friend she needed. Or maybe more than that. Pero parang gumuho ang mundo ni Marisa nang malaman na lumapit lang ang lalaki sa kanya hindi para i-reminisce ang kanilang pagkakaibigan noon. Kaya pala ito maalaga ay bahagi siya ng trabaho nito. He was her undercover bodyguard. At ang mas masaklap, may girlfriend na pala si Francis.
All Rights Reserved
#379
pinoywriter
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The President's Daughter
  • ❤Posh Girls Series Book 3: Scarlet (Completed_published by PHR)
  • Dirty Little Secret R18 ✔
  • 10 Reasons To Lose Weight
  • The Billionaire's Bedwarmer - (BOOK ONE | COMPLETE)
  • International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)
  • SUKIYAKI (COMPLETED)
  • 𝐌𝐑. 𝐌𝐔𝐋𝐓𝐈 𝐁𝐈𝐋𝐋𝐈𝐎𝐍𝐀𝐈𝐑𝐄[𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]
  • Skeletons In the Closet (wlw)
  • Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER

Naniniwala si Kenedy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang makakabuo ulit sa pagkatao niya. Ngunit hindi niya akalain na pagtapak pa lamang niya sa Manila ay may sundalo ng nag-aabang sa kanya. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng puso niya ng sandaling mag-tagpo ang mga mata nila. Base sa nararamdaman niya ay mukhang nakasalamuha na niya dati ang lalaki at base rin sa pagtitig nito sa kanya ay para bang kilala siya nito. Nang makita ng ama niya ang binatang sundalo ay mabilis siya nitong inilayo doon. "Let's go. Hindi pwede sayo ang ma-expose sa mga tao." Sabi nito na ang tingin ay nasa lalaki pa rin. Sinulyapan niya ulit ang lalaki at nakita niyang papalapit na ito sa kinaroroonan nila. Mabilis naman siyang kinaladkad ng ama papalayo. Sa hindi malamang kadahilanan ay sumulyap ulit siya sa lalaki na palapit ng palapit sa kanila. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanila ay hinarangan na ito ng security team ng ama niya. Pilit itong nagpumiglas at pursigidong makalapit sa kanya. Mukhang malakas ito dahil halatang nahihirapan ang maraming bodyguard nila na pigilan ito. "Kenedy" Napa-sulyap siya sa binata na pinipigilan ang pag-alis nila. Ngayon ay sigurado na siya na kilala siya nito dahil tinawag siya nito sa pangalan niya. "He's a bad guy. Kapag nagkita ulit kayo lumayo ka." Napakunot ang noo niya sa tinuran ng ama. Base sa hitsura ng lalaki ay mukhang hindi naman ito masama gaya ng sinasabi ng ama. Nang mga sumunod na araw niya sa Pilipinas ay hindi siya tinantanan ng binatang sundalo. Unti-unti niyang nakilala kung sino talaga ito. Nalaman niyang hindi naman pala ito masama kagaya ng sinabi ng ama niya. Pero nang makilala niya kung sino talaga ang binata at kung ano ang parte nito sa buhay niya ay labis siyang nasaktan. Pinagsisihan niyang hindi siya naniwala sa sinabi ng ama na masama itong tao.

More details
WpActionLinkContent Guidelines