Kung ikaw ay mamamatay na, paano kung malaman mo na may oportunidad para mapahaba ang buhay mo? Kukunin mo ba ang pagkakataong ito? *** Kailanma'y hindi naging patas at mabait ang mundo. Buong buhay ni Angelica Cortez ay wala na s'yang ibang narinig mula sa kan'yang ina bukod sa mga katagang "sana mamatay ka na." Sa kabila nito, lagi s'yang nagsusumikap at naghahanap ng paraan para patuloy na mabuhay. Lagi niyang iniisip ang sarili niya bago ang iba. Makasarili na kung tawagin, pero wala s'yang panahon isipin pa ang iba kung pati s'ya ay nahihirapan sa sarili niya pa lang. Ngunit nang iligtas niya ang batang muntik nang kunin ni kamatayan ay nagbago ang lahat.
9 parts