____________________________ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any character names‚ places‚ incidents are just from the author's imagination. Beware of grammatical errors and typos. ____________________________ Lumiko na si Sam papuntang restroom. Oo, nakasunod lang ako sa kanya, yung sure na hindi niya talaga ako makikita. Gustong-gusto ko kasi talaga siya kaya kahit magmukha na akong stalker niya, ayos lang. Pumasok na sya sa restroom at bumilang ako nang sampu bago pumasok. Pumunta na ako sa isang cubicle habang sya ay nasa sink naghuhugas ng kamay. I didn't close the door to see her. Grabe ang ganda nya talaga. 'Di naman nya ako makikita rito kasi nasa dulong cubicle ako. Nakasilip lang ako sa maliit na awang ng pinto. Maya-maya ay kinuha nya ang phone nya sa bulsa nya at tinapat sa tainga nya. May tumatawag ata. Psh, sino naman kaya yan? I rolled my eyes sa isipin na may kakausap na naman sa baby ko. Baby daw oh, kapal. "Why do you keep on stalking me? Kung gusto mo 'ko, come out. Mag-confess ka, you're such a coward.", napalunok ako sa sinabi nya sa kausap nya sa phone. Parang para sakin yun ah. Sakit, sapul na sapul. "You've been following me since last week, sa tingin mo hindi ko mapapansin?", napatago tuloy ako dito sa cubicle. Hala sino kayang kausap nya? Bukod sakin may stalker pa sya? Wala naman akong nakikitang nakasunod na kanya. Di naman siguro ako yung pinapatamaan nya no. Maya-maya ay sumilip ulit ako ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong nakatingin sya sa gawi ko while smirking. Dahan-dahan nyang binaba ang phone nya at nagsalita. "Why don't you come out now, my stalker? Ms. Salvania?" Her smirk gives chill to my body. I'm doomed.