"Sabi pag mahal mo daw ang isang tao, ipaglaban mo. Kahit anong sabihin ng iba, sundin mo lang yung puso mo..eh paano kung di siya tao? paano kung di kami para sa isa't-isa? paano kung di kami pangmatagalan? alam kong isang araw, aalis nanaman siya, biglang mawawala, biglang magiging mannequin.. Hindi kami bagay dahil hindi kami magkauri.. -- Nina"
Si Nina, nagtatrabaho sa isang boutique sa Quezon City. tagalinis, taga ayos ng mga damit at tagabihis ng mga mannequin. Isang filipino-korean ang pumunta sa boutique nila hindi para bumili ng damit, pero para bigyan sila ng tatlong kakaibang mannequin. oo, binigay niya at di pinabayaran sa may-ari. Ang mga mannequin na yun ay nanggaling sa iba't-ibang bansa. Pansamantalang iiwan niya daw muna yun at bibyahe sa Korea kinabukasan para sa kanyang negosyo. ingatan daw namin at babalikan niya yun para ibyahe naman sa ibang bansa. Magbibigay daw siya ng malaking halaga pag nabalikan niya ang mga mannequin na nasa maayos na kondisyon..
Anong meron sa tatlong mannequin na yun? Sino si Kurt na darating sa buhay ni Nina? mahahadlangan ba ni Courtney ang pagmamahalan ni Nina at Kurt? Totoo ba na ang maipaglalaban ang pag-ibig sa kahit anong paraan at magagawa nitong posible ang imposible?
POV: promise gagandahan ko to! HAHA. basahin nyo ah? minsan lang ako magsipag mag-imbento ng kwento.
MY CHARACTERS:
SongHyeKyo as Nina, LeeJunKi as Kurt and AngelinaJolie as Courtney..All Rights Reserved