Paano mo nasasabing safe ka?
Paano mo nasasabing pangit ka at walang sinuman ang may gustong manligaw sa'yo?
Paano mo nasasabing walang may gusto sa'yo?
Paano mo nasasabing walang nanonood sa'yo patago?
Mag-ingat ka, baka may nanonood sa'yo.
Hi may name is Reya Weng Fernandez, nakatira ako dito sa Probinsya ng Cagayan Valley. Pangit, at medyo mataba, walang may gusto sa akin at okay lang sa akin 'yon. Hindi naman nila ako binubully dahil sinasabi nilang naiinggit sila sa katawan ko dahil maganda at sexy daw ako. Hindi naman ako naniniwala dahil hindi naman totoo 'yon. Naka-tira nga pala ako sa bahay nila Lola at Lolo, ang mga kapitbahay naman namin ay para akong Reyna kung ituring nila ako dahil sa katawan ko at mukha ko. Hindi ko nalang iniisip iyon dahil baka pinag-tritripan ako.