May pagkatataon sa ating buhay kung saan tila ang lahat ay perpekto at walang kapintasan; masaya, magaan, matiwasay at nasa tamang tao na. Kagaya ng pamumuhay at pagmamahalan ni Anita at Nestor... Kaso may pagkatataon din na ang lahat ng ito ay babawiin sa isang iglap. Maraming pwedeng mangyari sa mundo na hindi mo aasahan pero wala kang magagawa maliban sa tanggapin ito. Ano na kaya ang mangyayari sa pamamagitan ng wagas na pagmamahalan ni Anita at Nestor? Paano kung may panibagong taong darating? Paano na si Anita, Nestor, at... Gusto mo ba ng maikli pero makabuluhang kwento ng pag-ibig? Itong kwento na ito ang para sa iyo. May dahilan kung bakit mo ito nakita... ninanais ng kwentong ito na mabasa ng isang katulad mo.