Persephone Louisse Bautista, isang simpleng babae at ulirang lubos sapagkat maagang namatay ang kanyang mga magulang. Kung kaya't ang kanyang tiyahin na walang asawa't anak ang kumukop sa kanya. Sa hirap ng buhay, hindi na natapos ni Persephone ang kanyang kolehiyo dahil walang sapat na pera. Fourth year college na sana siya ngayon sa kursong BS Education major in Filipino. May karamdaman na ang kanyang tiyahin kaya napilitan si Persephone na kumayod para sa kanila. Bilang utang na loob at pasasalamat sa tiyahin niya na kinupkop siya at inalaagaan na para bang tunay na anak, naghanap siya ng trabaho. Sa kalagitnaan ng paghahanap ay nakakita siya ng batang umiiyak sa gilid. Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan ang mga magulang nito. Dahil sa hindi sumasagot ang bata ay pinatahan niya ito at inalo. Nang yumakap ang bata sa kanya ay sakto rin ang pagdating ng mga lalaki na animo'y bodyguard ng bata at pinalibutan silang lahat nito. Dumating ang isang lalaki na mukhang daddy nito ngunit ayaw sumama ng bata sa daddy nito. Nagulat si Persephone nang biglang humigpit ang yakap ng bata sa kanya at sinabi nito na, "Dada, I want her to be my mommy." Lalong nagulantang si Persephone sa sinabi ng daddy ng bata. "Okay, son. From now on, she's now your mom." Gusto lamang niyang maghanap ng trabaho ngunit hindi niya akalain na magiging instant mom siya! Ano na kaya ang mangyayari kay Persephone? Magagampanan niya ba ang pagiging instant mom?