A Love Encounter in 1902
Si Cresencia "Cesa" Madrid ay isang modernong babae na pilit naghahanap ng isang perpektong lalaki sa gitna ng mapaglarong mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napadpad siya sa taong 1902, ang panahon ng pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Hanggang sa makatagpo siya ng isang binata na kasalungat ng mga pananaw niya sa buhay.
Ang kinalakihan niyang romantikong imahinasyon ay bigla na lamang gumuho nang makilala niya si Don Julian, isang ilustradong binata na ang puso ay tila naging bato dahil sa mga masasakit na karanasan sa buhay.
Isang katangian ng lalaki na taliwas sa pinapangarap niya.
Dala ng lungkot sa pagkamatay ng ama at pagtataksil ng dating kasintahang ipinakasal sa isang Amerikanong Heneral, si Julian ay naging masungit, suplado, at nawalan ng tiwala sa pag-ibig.
Sa pagitan ng kanilang mga bangayan at magkaibang
prinsipyo, unti-unti nilang matutuklasan ang magkaibang pagkatao ng isa't-isa. Subalit isang misyon ang nakaukit na sa noo ni Cesa, kailangan niyang mabago ang pananaw ng binata at turuan itong umibig muli upang makabalik siya sa kasalukuyan. Pipiliin ba ni Cesa ang bumalik sa kanyang kinalakihang mundo, o mananatili na lamang sa nakaraan kung saan nahanap niya ang pag-ibig na hindi niya inaasahan?