Simula noong bata pa ako. Madalas na akong tuksuhin na bading. Dahil sa kilos kong mahinhin, mabagal, at malamya. Bukod dun, mayroon akong makinis na balat, maliit na pangangatawan at mukha na babagay lamang daw para sa babae. Sa takot na mahusgahan. Pinilit kong baguhin ang sarili ko. Nang tumungtong ako ng highschool. Nag focus ako sa sports na kinahiligan ko. Ang basketball. Akala ko tuluyan kong mababago ang sarili ko sa pamamagitan ng basketball. Pero hindi pala dahil sa muling pagkukrus ng landas namin ng numero unong bully ng buhay ko na si... Allistair Jake Torralba. Imbes na maging matigas ako lalo yata akong lumambot dahil sa Ungas na 'to. Hanggang sa kinatagalan. Inamin ko nalang sa sarili kong Bakla nga talaga ako. Period. - Hercules Greek Carter (2024) (Bl/ Sliceoflife)