Bilang isang normal na dalagitang malaya at may mataas na pangarap sa buhay, wala sa hinagap ni Althea Basco na magiging tindera siya ng gulay ngayong summer vacation. Dito nya unang nakausap ang kaklaseng si Allan, ang gwapong anak at nag-iisang tagapagmana ng pinakamalaking tindahan ng gulay sa talipapa. Bukod sa hindi sanay si Althea sa gulo at ingay ng palengke, mayroon din siyang hindi maipaliwanag na pagkairita sa isa sa mga sidewalk vendor na si Mica. Handa niya na sanang ipagsawalang-bahala ang tungkuling ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakatao'y nalaman niya ang isang malaking problemang kasalukuyang kinakaharap ng kanilang pamilya. Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Althea para patunayang hindi sya basta-basta papatinag sa mga pagsubok ng buhay?All Rights Reserved