Kasangga: Ang Pagtuklas
  • Reads 1,000
  • Votes 65
  • Parts 50
  • Reads 1,000
  • Votes 65
  • Parts 50
Ongoing, First published Jul 06, 2024
"Ang ating mundo ang maituturing na isang malawak na hardin ng karunungan. Magmula sa maunlad na paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa mayabong na likas nating yaman. Subalit, sa kabila ng kagandahan nito ay may mga pwersang pilit na nagkukubli sa likod ng nakakabulag na kadiliman." 

Iyon ang madalas na marinig ni Milo sa kaniyang Lolo habang siya ay dahan-dahang lumalaki at nagkakaisip.

Ngunit sa kabila ng natatanging kaalaman at lakas ng kaniyang Lolo Ador ay lumaking isang duwag si Milo. Kahit mumunting kaluskos sa mga talahib ay agad na siyang nahihintakutan. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Lolo Ador na isara ang ikatlo niyang kamalayan. 

Subalit isang pangyayari ang muling magbabalik ng kaniyang ikatlong mata. Isang pangyayaring magbabago sa ikot ng kaniyang buhay at isang pangyayaring muling magtatali sa kaniya sa hiwaga ng mundo at sa mga elementong  nakapalibot dito. 

Matagpuan kaya ni Milo ang kaniyang sarili? Mapagtagumpayan kaya niyang kalabanin ang takot na nananaig sa kaniyang puso? Yayakapin kaya niya ang misyong matagal nang nakaatang sa balikat niya? O tatalikuran niya ito at mananatili na lamang sa buhay na nakagisnan niya?
All Rights Reserved
Sign up to add Kasangga: Ang Pagtuklas to your library and receive updates
or
#2tikbalang
Content Guidelines
You may also like
Reincarnated as the Seventh Princess Book 3  by Airosikin
10 parts Ongoing
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fantasy | Action | Romance Happy Ending is such a bizarre and cliché word for Yvonne as she never got her own when she died even before she started telling her own story. Sa huling bahagi ng buhay ni Yvonne, handa na kaya siyang harapin ang mas masakit at mas matindi na mga pagsubok at rebelasyon sa kanyang buhay. Dito masusubok ang tiwala ni Yvonne sa mga mahal niya sa buhay lalo na at nalalapit na ang pagtatapos ng unang taon niya sa akademya nang may pagdanak ng dugo at malagim na mga pangyayari. Isa-isa niya kikilalanin at uungkatin ang mga sikretong ikinukubli ng mga kaharian at ang naging papel nila sa pagdurusa ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Madugo ang daan na tatahakin niya tungo sa pagtuklas ng nakaraan ng babaeng kadikit na ng kanyang kaluluwa, sa pag-alam sa kadahilanan ng pagkamatay ng mag-inang Elaine at Eliana, at ang malalim na pinag-ugatan ng paghihirap ng mga kababaihan ng Elior. Kakayanin niya ba ang unti-unting pagkawala ng mga taong malapit sa kanyang buhay, ang nagbabadyang pighati at lungkot oras na malaman ng pamilyang Agrigent at katotohanan sa totoong Eliana? Ano nga ba ang gagawin niya kung makatatagpo niya muli ang mga taong naging dahilan ng kanyang kamatayan noon? Nanaisin niya pa nga bang magpatuloy kung malalaman niya ang totoong koneksyon niya sa mundong Elior at ang sikretong nagkukubli sa totoo niyang pagkatao? Kung darating na sa puntong kailangan niyang mamili ng buhay na nais niyang ipagpatuloy, babalik ba siya sa totoo niyang mundo mas pipiliin niyang lumaban at maglakbay kasama ang lalaking nagpakita sa kanya ng totoong pagmamahal? In her final story, will Yvonne be able to get the happy ending that she deserves? Or maybe it's not just about the happy ending, but the magic to be able to tell the story of how she was Reincarnated as the Seventh Princess.
You may also like
Slide 1 of 10
The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed) cover
Bawal Matulog (isang libro ng pinagsama-samang maiikling kwento ng katatakutan) cover
Finding the 4 crystal(COMPLETED) cover
Hinirang cover
Mafia Queen Reincarnated as weak princess  cover
Wind Chime (A Lucid Dream Spin-off) cover
The Tempest Princess and the Valkara Rebellion: BOOK 1-2 ( Ongoing ) GL cover
The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM) cover
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅ cover
Reincarnated as the Seventh Princess Book 3  cover

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)

47 parts Complete

Kung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang siya sa malayo kahit na may mga tao sa likuran niyang ginugulo ang buhay niya ay wala siyang pakelam...Nasasaktan siya sa bawat pambubully na ginagawa sa kanya,Pero nang makilala niya ang grupo nang lalaking lihim niyang minamahal ay nagbago ang takbo nang buhay niya...Nawala ang lahat nang sakit at gulo na tinatamasa niya sa loob nang paaralan dahil sa kanilang lahat,Nagawa niyang mahalin ang grupo at pahalagahan...Lahat nang kabilang sa grupong iyon ay nagawa niyang paamuhin at gawing kaibigan...Pero anong nangyari sa kanya makalipas ang mahigit Apat na taon kasama ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pangloloko sa kanya nang lalaking lubos-lubusan niyang minahal? Akala niya siya na talaga ang lalaking magpapatunay sa kanya na hindi basehan ang mukha para mahalin ang isang tao...Pero niloko lang siya...pinaglaruan...anong gagawin niya makalipas ang mahigit apat na taon na nanatili sa sakit na kinabibilangan niya? | B O O K T W O | | T H E U G L Y P R I N C E S S D R E A M S | | DONT FORGER TO VOTE , COMMENT AND SHARE | --iMagoddez