
"Ahmmm...Summer!" Napilitang tumingin muli si Summer kay Ethan.
"Pinasasabi nga pala ng kuya mo na sa amin kana sumabay nina Mommy pag-uwi."
"Ba- Bakit? Na- nasaan si kuya?" Shit! Summer bakit kailangan mo laging mautal sa harap niya, aniya sa sarili.
"So you were always like this?" amused tanong ni Ethan.
"W-what?"
"The way you speak. Mukha ba akong monster para sayo Summer? Natatakot ka ba sa akin kaya ka nauutal?" Nakangiting wika ni Ethan na tila ba aliw na aliw sa kanya.
"Mahihiya ka pa ba sa akin eh halos araw araw tayong nagkikita at saka dapat masanay kana kasi in the near future eh magiging Mrs. Fernandez kapa di ba?"
"Huh?!!!" sa lakas ng kabog ng dibdib niya wala siyang naintindihan sa sinabi ni Ethan, ang tanging nagtutumining sa utak niya ay ang salitang Mrs. Fernandez. My God Summer, totoo ba ang nadidinig mo magiging hubby mo si Ethan. At dahil sa naisip ay pinamulahan ng mukha si Summer.
"Hey! Are you still with me?" Nakangiting wika ni Ethan.
Huwag kang ngingiti ng ganyan. Sige ka baka bigla kitang halikan nakita mo. Anang isip ni Summer.
"Sabi ko mukha kasing walang balak si Mackie na pakawalan ka pa. I wonder kung anong nakita ng batang yun sayo?"
Dahil sa narinig ay biglang natauhan si Summer mukhang wala talagang pag-asa na mapansin siya ni Ethan...All Rights Reserved1 part