If no one believes in you, would you still trust yourself? Would you continue to pursue your goal? The common societal concept is that instead of letting you achieve your dreams, people will try to bring you down, humiliate you in front of others, and push you to the ground. Si Skyleen Vasquez ay ipinanganak sa isang tipikal na pamilyang mahihirap na naghihikahos sa buhay. Sapat na ang makakain ng tatlong beses sa isang araw, ngunit madalas ay kapos pa rin. Sa pitong magkakapatid, siya lamang ang inaasahan ng kanyang mga magulang. Pangatlo siya sa magkakapatid ngunit nagsilbing panganay na rin dahil wala silang maasahan sa mga nakatatanda. Sa edad na 18, natuto na siyang magbanat ng buto, kahit anong sideline job ay pinasok niya. Mataas ang tingin niya sa mga taong nakapagtapos ng pag-aaral kaya ginawa niya itong motibasyon upang makaahon sa mahirap na buhay. Tinatak niya sa isipan na tanging edukasyon ang kanyang magiging unang sandata upang makamit ang mga pangarap at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ang lahat ng plano ay tila nabalewala nang malaman ng kanyang pamilya ang kanyang mga plano. Hindi sila sumang-ayon sa kanya. Sa halip na tulungan siya ng mga taong inaasahan niyang magiging karamay at kasangga sa buhay, sila pa ang hindi sumusuporta sa nais niya. Hanggang sa dumating sa punto ng buhay na sukong-suko na siya, nakilala niya si Kheno Mathew Ignacio, isang lalaking naniwala sa kanya. Tinulungan siya ni Kheno na makaahon sa lugmok na buhay. Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan, ngunit habang tumatagal, tila hindi lang pagkakaibigan ang nais nito. Magiging hadlang ba ang pag-ibig sa pagtupad ng pangarap na minimithi o magiging sandata upang maging matagumpay? Handa ba siyang isugal ang lahat para sa pangarap na gustong makamit o susundin niya ang mga payo ng nakararami na huwag mangarap ng mataas dahil ang sobrang paghahangad ay nagdudulot ng labis na kabiguan?