Paano kung magkita ulit kayo ng taong parte ng nakaraan mo at umasta itong parang walang nangyari sa pagitan niyo? Yung tipong kaswal ba. Pero paano rin ba kung wala naman talaga siyang alam sa mga bagay na naging dahilan pala kung bakit kayo naghiwalay? Paano kung misunderstanding lang naman pala talaga ang lahat? May posibilidad bang maayos pa ito at bumalik sa dati? O ikaw na mismo ang aayaw at iiwas?