May kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turing sa kaniya ng kaniyang Ina, ayaw nito sa kaniya at kinamumuhian siya sa hindi malamang dahilan. Sa pagkaayaw ng kaniyang Ina sa kaniya ay ibinigay siya nito kay Senyora Felia Arcazshde para magtrabaho rito. Ngunit ibang trabaho pala ang ibibigay sa kaniya ng senyora, dahil dinala siya nito sa isang kagubatan kung saan nakatayo ang isang abandonadong kastilyo. At sa kastilyo na 'yon, doon nakakulong ang anak nitong si Dreco Arcazshde, kasama ang isang psychiatrist na si Stanley Yevez. Si Dreco ay may sakit na kung tawagin ay Dissociative Identity Disorder (DID).