Isang ulilang lubos na babae si Yves. Hindi niya kailanman nakilala ang mga magulang dahil sa murang edad niya ay agad na itong kinuha sa kaniya. Hindi siya nagtampo dahil nakakita naman siya ng mga taong naging totoo sa kaniya. Hindi siya natakot na magtiwala. Hindi siya natakot na magmahal. Hindi siya natakot na masaktan. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya titiisin ang sakit na dulot ng kaniyang lubos na pagmamahal? Hanggang kailan niya panghahawakan ang paniniwalang may nakalaan pala talaga sa kaniya?