Isa sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic si Aries, kasama ang kanyang anak na si Justine ay pinilit nilang sabayan ang hagupit ng pandemya. Matagal na siyang hiwalay sa asawa, wala na silang komunikasyon mag-mula noong dalawang taong gulang pa ang kanilang anak, kaya naman kahit anong trabaho ay pinasok ni Aries, kahit pa illegal.
Pero ang noo'y akala niyang masarap na buhay dahil sa perang tinatamasa sa trabahong bawal, ay agad din palang mawawala nang mahuli siya sa entrapment operation. Tignan at alamin ang naging buhay ni Aries sa loob ng selda.