"BINIBINI!, HUMINTO KA SA PAGLALAKAD!" Rinig kong malakas na sigaw ng kung sino ng lingonin ko ito ay nakita kong nakaduro sakin ang taong nasa gitna habang nakasakay sa kabayo, ito yung nakita kong kawan ng kalalakihan kanina ah.
Dahil nakaturo ito sa akin ay hinintay kong makalapit ang mga ito sakin.
"Bakit?." Agad kong tanong nang makalapit sila.
"Sino ka? Ngayon kalang namin nakita rito? Espiya kaba?." Malamig at sunod-sunod na tanong nito sa akin, base sa kasuotan nito ay para itong heneral, may hitsura rin ito, makinis at parang amerikano ang mukha.
"Raya po ang pangalan ko at napadpad lang po ako rito, at isa pa hindi ako espiya noh, paanong magiging espiya ang ganito kagandang nilalang?." Taas noo kong sambit sa kanya at diniin ko pa ang huli kong sinabi para dama niya.
Pogi eh BWAHAHA.
"Balíw ata yang babae heneral, tinawag ba naman ang sariling maganda, mukha nga yang brúha eh." Rinig kong bulong nito sa heneral daw nila, pero rinig ko naman.
Kaya bigla nalang napantig ang tenga ko sa sinabi nito, anong bruha?.
"Hoy ônggoy na mukhang salagubang! Sino ang tinatawag mong bruha hah?." Galit kong anas habang nakaturo sakanya.
Ang kapal ah.
"Tingnan mo nga ang iyong sarili binibini, napakagulo mo tingnan, at isa pa tila'y kakaiba ang kasuotan mo ah." Saad naman ng isa pa na nasa kaliwa ng heneral.
________________
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
47 parts Complete
47 parts
Complete
TULONG SA PAG-AARAL:
-José Rizal
-Kasaysayan
-Mga tauhan
-Buod ng mga kabanata
-Pahiwatig ng bawat kabanata
-Mga tanong at kasagutan
-Magandang maidudulot
-Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
-Mga babae sa mga obra ni Rizal
Source: Google (joserizal.ph, angelfilibusterismo.blogspot.com)