Naranasan niyo na bang ma-inlove? Naranasan niyo na bang pag-agawan ng dalawang lalaking importante sa buhay niyo? Sinong pipiliin mo? Mahal mo o mahal ka? Kaya mo bang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa ikatatahimik at ikapapalagay ng lahat? Eh pano naman kapag niloko ka ng taong mahal mo? Eh di dun ka nalang sa taong mahal ka at gagawin lahat para maging masaya ka. Sa taong alam mong kahit kailan di ka iiwan at sasaktan. Eh pano kung an'daming bagay na pumipigil sayo para gawin yun? An'daming gumugulo sa isipan mo lalo na't alam mong mahal mo pa'rin yung taong nanakit at nanloko sayo. Anong gagawin mo? Well, you need to make a right decision. Ikaw naman ang magpapaandar ng buhay mo, diba? Ikaw din ang gagawa ng sarili mong kaligayahan. Lahat nasa sarili mong desisyon. Anong mas uunahin mo? Kaligayahan mo o kaligayahan ng ibang tao?