Sa makinang na kalangitan Payapang gabi Malamig na simoy ng hangin At patuloy na agos ng alon Ang tunay na pag-ibig ay kanilang nahagkan. Hindi man nagtagal pero ang mga alaalang kanilang iniwan ay dadalhin sa habang buhay. Kasabay ng pagkinang ng mga bituin ay ganun din ang pagkakaroon ng rason para sa panibagong buhay. Kailan man hindi makakalimutan na sa pagitan ng mga bituin ay nakamit nila ang wagas na pagmamahal na naghilom sa lahat ng sugat ng nakaraan.