MISTER PRINCE CHARMING
  • Reads 4
  • Votes 0
  • Parts 1
  • Time 7m
  • Reads 4
  • Votes 0
  • Parts 1
  • Time 7m
Ongoing, First published Jul 15, 2024
Do you believe in magic? Not literally Magic. Magic in love. That your heart starts acting abnormal. The sparks flows at your body abnormally too. 

Nakakakilig. Nakakakaba. Napakasaya. Nakakatakot.

Halo-halong emosyon ang mararamdaman kapag ganito yung pakiramdam na mararamdaman mo. 

Pero isasaalang-alang mo nanaman bang muli?

Handa kana bang umibig muli?

Maraming tanong sa isip ang pakiwari ay di mabibigyan ng kasagutan.

Ngunit, paano nga ba masasagot ito kung hindi ko muling susubukan diba?

Gusto ko lang naman magmahal. 

Gusto ko lang naman maramdaman kung paano kiligin muli. 

Kung paano yung pakiramdam ng magmahal.

Yung pakiramdam na may nagmamahal sayo.

May nagaalala sayo, yung iuupdate ka araw-araw. 

Yung nakatitiyak kang sayo lang sya at wala ng kahati pang iba.
Paano na kaya yung pakiram - -

"Aguuuyyy!! Araaay ko po. Ang sakit naman!! Nagmomoment lang yung tao masyado ka namang epal!!" - bulyaw ko kay Ian.

"Ante, yung moment mo kanina pa. Kanina pa kita iniistorbo!! Kanina pa ko kwento ng kwento sayo. Ayun naman pala may iniisip ka at pangiti-ngiti ka pa dyan!! Gusto ko ng sampalin ka kanina pa e. Ayan nasampal na nga kita." - bulyaw din pabalik sakin ni Ian. 

"Sorry nga ante, may pumasok lang naman sa isip ko e." - mahinahong sagot ko na kay Ian at baka ako'y masampal ulit.

"Tara na nga at bumalik na tayo sa klase natin at baka pagalitan nanaman tayo ni Sir Ralph-panot." - nakangising sabi ni Ian.

"HAHAHAHAHAHA Siraulo ka talaga may makarinig sayo!! Tara na nga." - at sabay na nga kaming naglakad ni Ian pabalik ng room.

Oo nga pala di pa ako nagpapakilala HAHAHAHA. Pasensya na madlang peeps!

Ako si Elijah Concepcion. Jang for short. Nagaaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Quezon City bilang isang BSeD Major in Filipino. 

At ang kasama ko pala kanina ay Si Ian Franco Smith. Bestfriend ko na may lahing kano HAHAHA. 

Oh sya, balikan ko kayo mamaya ha!!

Magkaklase muna kami. Bye for now.

--

Ano kayang mangyayari kay Jang sa istoryang ito?
All Rights Reserved
Sign up to add MISTER PRINCE CHARMING to your library and receive updates
or
#436gaystory
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Leah's Writer's Room cover

Leah's Writer's Room

12 parts Ongoing

Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks? Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!