Simula pa lang ay ayaw ko nang pumunta sa lugar na iyon. Siguro dahil doon tumira ang ina kong malandi kasama ang kambal kong kapatid na nang iwan sa amin ni Daddy pagkatapos ay babalik sila sa buhay naman na parang walang nangyari? Kung hindi naman dahil sa mahal ko si Daddy at gusto niyang ma-meet ko ang pamilya ko roon sa side ng Nanay ko ay hindi na ako pupunta. Bakit ko gugustuhing pumunta sa probinsya at manirahan sa isang kubo? Bakit ko gugustuhing pumunta sa mundong hindi sa akin? Mundo iyon ng kinaiinisan kong kambal. We are total opposites! Mabait siya, bitch ako. Bida siya lagi, kontrabida ako. We have a lot of differences. At dahil sa pagpunta ko du'n nahulog ako sa lalaking hindi dapat na mahalin. Sa lalaking mahal ng kapatid ko. Sa lalaking ginamit ko lang upang makaganti sa kapatid ko. Alam kong mali simula pa lang. Parehas sila ng kambal ko, which means we have a lot of difference too. Totoo ngang opposites attract. Kaso saan ka dadalhin ng opposites attract kung mali? Hanggang saan mo maipaglalaban ang pagibig na bawal?