Hindi kami, pero parang kami. Iyong samahan na akala mo may 'something' pero wala naman pala. Kung kailan akala mo may progress na sa kung ano mang meron kayo ay bigla naman siyang maglalahong parang bula. Ang masaklap pa ay nahulog ka na, pero wala naman palang sasalo sa iyo. Sinubukan mong mag move on. Pero mas mahirap pa lang mag move on sa isang taong bigla-bigla na lang susulpot sa buhay mo, at bigla-bigla ding mawawala sa buhay mo. Malulungkot ka, at hahanap-hanapin mo siya. At hanggang ngayon ay nagbabakasakali ka na babalik ulit siya sa iyo. Kasi tanga ka. All rights reserved. Walang bahagi ng istoryang ito ay maaaring muling ginawa, ibinahagi , o ipinadala sa anumang anyo o sa anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng manunulat. Copyright © 04152015 by Bjai Abucay