Siya si Grizelle Anne na nag mula sa Novaliches-- hindi gaano kalawak na bayan dito sa Quezon City. Hindi naiiba si Grizelle sa ibang bata dito sa bayan sapagkat siya ay namumuhay ng maayos at masipag sa lahat ng bagay. Nais ipag patuloy ni Grizelle ang kursong hindi natapos ng kaniyang Ina upang matigil ang hindi pag kakaintindihan at pag mamakataas ng bawat myembro ng pamilya nito. Sa hindi inaasahang pag takbo ng oras, pag lipas ng panahon at sa pag ihip ng mga kadila sa kaarawan, nag tagpo sina Grizelle at Shiro sa hindi inaasahang pag kakataon na hindi sana matangay ng hangin at hindi maging kulay kayumanggi ang kwento nila.