KAILANGAN (DESTINY SERIES #6)
63 parts Complete NOT EDITED‼️
Mary Aerish Nicolette Carreon. Bata pa lamang s'ya ay ramdam n'ya na hindi siya mahal ng kanyang Nanay, ganoon na rin ang kanyang ate at kuya. Ang tanging nag mamahal lang sakanya ang kanyang Papa, naguguluhan si Aerish sa sitwasyon n'ya. Dahil bata pa lamang siya ay hindi pa niya muna naiintindihan ang mga nangyayari sa loob ng kanilang tahanan.
Ipinaampon s'ya ng kanyang Nanay sa isang babae, lubhang nasaktan si Aerish sa ginawa ng kanyang Nanay. Tuta ba s'ya para ipaampon lang? Ang dami n'yang tanong sa kanyang isipan, na kailangan ng sagot.
Mikael Kobe De Vera. Isang batang lalaki, na makikipag kaibigan kay Aerish. Lumaki sa isang marangyang pamilya. Malapit si Miko sa mga nag ampon kay Aerish, kaya naging malapit s'ya sa dalaga. Miko loves Aerish deeply. Kaya palagi n'yang gustong kasama si Aerish. Naging mag kaibigan sila, habang si Miko ay higit pa sa kaibigan ang tingin kay Aerish.
Kailangang umalis ni Aerish at ang pamilya n'ya ng bansa, hindi alam ni Aerish kung ano ba ang dahilan. Bago lumisan si Aerish ay nag kita sila at nag kausap. May binitawan silang pangako sa isa't isa.
Ngunit ang pangako ba na iyon ay matutupad?
Paano kung ang isa sakanila ay putulin ang pangakong 'yon?
Kailangan ba nilang tuparin ang pangakong iyon para mapatatag ang kanilang pag-iibigan?