Napaka simple ng kanilang mundo, pero hindi ito perpekto. Isang lugar na mahirap matagpuan, isang lugar na hindi basta basta napupuntahan. Naniniwala ka bang merong isang lugar dito sa ating mundo na punong puno ng kapayapan. Na puro pag mamahal at makikipag kaibigan lang ang sa kanilay sumasakop. Isang lugar na payapa pero nag bago ang lahat ng iyon ng pasukin sila ng mga taga labas. Ang inakala nilang kaligtasan at kakayahan sa pakikilaban ay may papantay pa pala. Bilang lang sa kanila ang marunong lumaban, Pinilit ng mga itong lumaban hanggang sa halos maubos sila. At ng sila ay mag tagumpay ay matagal napanahon lang nilang sinara ang lahat ng daanan, paloob man o palabas. Simula non ay nabago na ang lahat. Ang dating simple ay nag karoon ng dahas. Ang dating payapa ay nagkaroon ng batas. Lahat ng tao babae man o lalaki ay kanilang pinilit na maging malakas. Umusmong ang makakapangyarihan. Napagkasunduan yon ng lahat. Na dapat ay magkaroon na mamumuno at tinawag ang lugar na iyon na Bansang Emperyo. Ilang taon din ang lumipas bago silang nag pasyang buksan ang lahat ng daan. Sinugurado nilang walang mahina, walang lampa at walang madaling mapatumba. Sinigurado nilang may mga taong poprotekta sa kanila. Nagkaroon ng taong pinakamalalaks mga taong tagapaghiganti sa mga nag tatangkang pumasok sa binuo nilang lihim na bansa Nagkaroon ng taong walang kasing lakas. Na kaya nyang pumaslang kung kanakailangan. Na sa isang pikit mata ay hindi mo na sya makikita. Pero paano kung kasama sa batas na iyon ay bawal rin syang magmahal ng hindi taga lugar nya. Kaya ba ng katapangan nyang ipaglaban ito o mas pipiliin nya ang batas ng bansang kinalakihan nya. *** Hello!! Sorry sa mga babasa nyong error ang wrong grammar hahahaha If mahilig ka sa mga shadow, assassin na girl ang bida i think para sayo ang story na ito!!! Ang tagal na nito sa draft ko. Ang dami na ring part nito . Sana basahin nyo. Thank you! 🫶All Rights Reserved