PAUNAWA
Ang mga pangyayari at mga karakter na matatagpuan sa kwentong ito ay likhang-isip lamang. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay hindi sinasadya at purong kathang-isip lamang. Ang mga salitang ginamit sa kwentong ito ay maaaring maglaman ng malalim na kahulugan at mga konsepto na hindi angkop sa lahat ng mambabasa. Ang pagbabasa ng kwentong ito ay nangangailangan ng kasiyahan at pagsasabuhay ng malawak na imahinasyon.
.
.
.
PROLOGO
Sa mundo ng kadiliman at lihim, may dalawang nilalang na pinag-ugnay ng tadhana. Si Asyala Makabog, isang dalaga na lumaki sa mundo ng mga tao, at si Juano Damon Davuier, isang malamig na bampira na puno ng kasupladuhan at misteryo.
Si Asyala, na lumaki sa pangangalaga ng kanyang lola, ay hindi alam ang tunay niyang pagkakakilanlan. Sa tuwing gabi, pinapainom siya ng pulang likido ng kanyang lola, na nagbibigay sa kanya ng kakaibang lakas . Ang kanyang puso ay puno ng pangamba at pagkamangha sa mga lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao.
Isang araw,natagpuan ni Asyala ang lagusan patungo sa lugar ng mga bampira sa pamamagitan ng isang aksidente. Habang siya ay naglalakad,nadiskubre niya ang isang lihim na pasukan na tila nagtawag sa kanya. Ang kanyang kuryosidad at paghahangad na malaman ang kanyang tunay na pinagmulan ay nagpangibabaw, kaya't siya ay napasunod sa tawag ng lagusan.
Ang lagusan ay nagpakita sa kanya ng isang kakaibang liwanag at kahiwagaan na nag-udyok sa kanya na sumunod dito. Sa pamamagitan ng kanyang paglakas-loob at determinasyon, siya ay pumasok sa lagusan na nagdala sa kanya sa lugar kung saan siya ay hindi nabibilang doon.
Sign up to add ANG TAWAG NG DUGO(π³π ππππ ππππππππ π π π ππππππ) to your library and receive updates