Sa isip ni Laurice madaming tanong ang hindi pa nasasagot. Full of whys, hows and what ifs. Sa paglipas ng taon, umusad ang buhay at maraming nagbago. She opened her heart for someone else at hindi na umasang magkikita pang muli sila ni Lawrence. Ang mga katanungan sa isip niya ay kusang nawala kasabay ng pag usad ng mundo. Sa hindi inaasahang pagkakataon muling nagtagpo ang kanilang landas at ang damdaming akala niya umusad na rin ay biglang bumalik ang pait ng nakaraan. What if bumalik ang the one that got away mo? Lalakad ka ba palayo o babalik muling palapit sa nakaraan?