17 parts Ongoing MatureAlam na alam ni Hope na kahit hindi man sila magkadugo ay hanggang kapatid lang ang turing sa kanya ni Ico. Kung kaya, hangga't wala pang pormal na ipinapakilalang babae ang binata sa kanya at pamilya nito, palihim siyang tsumatsansing tulad ng mga pasimple niyang yakap at halik sa pisngi. Ang hindi niya alam, iyon ang unti-unting nagpapalambot sa puso ng binata hangga't nauwi ang dalawa sa isang marangyang kasalan.Habang umaasa si Hope na mapa-ibig niya ang binata, nakaabang naman ang mga taong pilit na ipinaglalayo ang kanilang mga puso. Sa sekretong angkin ng binata na unti-unting nabubunyag, buhay ni Hope ang nasa peligro. Patuloy pa kaya niyang mamahalin ang binata? Paano kung magtapat din ito ng pag-ibig sa kanya, tatanggapin niya ba gayong panganib ang hatid nito sa kanyang buhay? O kaya'y titibay pa ang kanilang pagsasama at matutong tanggapin ang isa't isa.