Knight Del Rio, a hot and succesful businessman with a playboy background. Walang tumatagal na karelasyon at mahilig makipag-one-night stand. Subalit, hindi niya inaasahan na ang isang gabing pinagsaluhan nila ng babaeng nakilala niya sa bar ay magbubunga, kaya pinilit siyang ipakasal dito. Magkaganoon man, hindi napigil si Knight na gawin ang lahat ng gusto niya, kahit pa ng sarili niyang asawa. Nagpatuloy siya sa kung anong buhay mayroon siya noong binata, until he met Czarina Melendez. Isa itong Engineer na nakilala niya sa isang project na ginagawa nila. Hindi niya napigilang mahulog ang loob dito, dahil sa mga katangian nitong simple lang at maabilidad sa buhay. Subalit, maaatim kaya niyang tuluyang mahulog dito kahit pa kasal na siya at may kasintahan na ang babae? Kakayanin niya nga bang lumikha muli ng kasalanan kung ang magdurusa ay ang kaniyang mag-ina?