Nang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya na matagal na niyang inaasam. Naramdaman niya na rin ang pagiging kasapi o miyembro dahil sa tunay na pamilyang kinabibilangan niya. Pero habang tumatagal ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkukulang, hindi pa rin siya tunay na nakukumpleto. At alam niyang may isang tao pang hinahanap ng kanyang puso. Ito ay walang iba kundi ang lalaking matagal na niyang pinapangarap na muntik nang mapasakanya.. kung hindi nga lamang naudlot ang kanilang pagmamahalan. At sa pagkakataong ito, matutuloy kaya ang naudlot na pagmamahalan o mananatiling uuwi siyang luhaan? May pag-asa pa bang maging Reyna ng Kaswertehan ang ating bidang tinaguriang Reyna ng Kamalas-malasan? "Loving him is like living in hell. Too much pain, agony and sufferings. But no matter what happens, the king only bows down to his queen.. to His Unlucky Queen."