This story is about the girl that have her sixth sense. Sobrang hirap para sakanya na makakita ng mga bagay na tanging siya lang ang nakakakita. It was all started since she was born. Hindi niya alam kung kailan siya lulubayan ng mga ito, maging sa pagtulog ay ginugulo siya ng mga ito. Hindi siya nagkaroon ng mga kaibigan simula noong bata pa lamang siya dahil na'rin sa kakaiba ang mga ikinikilos niya. Sinubukan niyang sabihin'yon sa kaniyang Ina pero hindi siya pinaniniwalaan nito at sinasabing nasa isip niya lang ang lahat ng mga ito. Nang tumuntong siya ng Highschool ay palagi siyang pinagkakatuwaan ng ibang mga estudyante, pero kahit na gan'on ay hindi niya kailanman naisip na patulan at labanan ang mga 'yon kahit pa na siya ay may kakayahan. At hanggang sa isang araw ay biglang nagbago ang lahat ng makilala niya ang isang binatang minsan ay ipinagtanggol siya sa mga ito.