Baka dito na ko mamatay. As I was mindlessly running for my life, a red laser appeared on the ground. One shot at hahandusay ako dito. Biglang pumasok sa isipan ko si Damian. Nawala na ang red laser kasabay noon ang isang kamay na humigit sa akin sa isang eskinita. Bago pa ko makapanlaban, nakilala ko ang mga mata niya kahit balot na balot siya ng itim na damit at helmet. Damian. Sumakay siya sa motor at walang alinlangan akong umangkas. Sa pagharurot niya'y 'di katagalan ay may dalawang itim na van ang sumunod. Sobrang bilis ng pangyayari at napahigpit na lang ako ng hawak sa baywang niya. Halos 20 minutes na ang drive hanggang dahan-dahang siyang bumagal at nagpark. "Anong ginagawa mo doon?! Delikado doon Drea!" galit na galit niyang asik sa akin pagkababa niya at tanggal ng helmet. Nagulat ako sa boses niya at huminga ko ng malalim bago siya sinagot. "Pakealam mo ba?" tangina Drea ang hina mo naman sumagot. Sa 'di kalayuan, narinig namin pareho ang mga sasakyan. Agad niya kong hinila sa kakahuyan. Habang tumatakbo kami ay rinig din ang mga yapak na nakasunod sa amin. He rushes to remove his jacket leaving only his black shirt and he removed mine as well, left me with my white tank top. He quickly untied my hair and held my face closer. Tumigil ang puso as our faces are only centimeters away but he put his thumb between our lips. Hindi ako makahinga then someone flashed us brightly behind me.Todos os Direitos Reservados
2 capítulos