English title: In the church were we met. Si Maria Clara Dimatuwid ay isang batang babae na masasabi natin na hindi girly or boyish sa paningin ng iba. "Pre! Tangina isali nyo naman ako sa ML tara five man." Aya ni Maria sa kanyang mga tropa na lalaki. "Teka Mar! Sino muna gagamitin mo?" Halos lahat ng kaibigan nya ay lalaki, mahilig sya sa basketball, video games, malutong magmura at grabe beh konti nalang susunugin nya ang skirt nyang uniform sa kaiksian nito. High School Student, bagsak ang grades, mahilig mag cutting para pumunta lang sa computer shop. Pero... "Anak wag ka malikot! Magsisimba tayo Sunday na Sunday magtatampo ka dyan. Give time to our Lord and thank him for what you have." Sabi ng nanay ni Maria habang pinalo sya sa braso dahil pinipilit nya ito hilahin pababa. "Mama naman eh pwede namang sa altar nalang ako sa bahay mag pray." Saad nya habang pumasok sila sa loob ng simbahan. Malaki ang simbahan, madaming mga iba't-ibang kulay na bintana at obra na nasa kisame. Si father na nasa harap ay nag sign of the cross. Nasa kalahati na pala sila ng misa. "Sa ngalan ng ama ng anak ng espirito santo." Mabilis na naghanap ang mag-ina ng upuan. Pumunta sila sa pinaka dulo, si Mar naman naka tingin sa harap. "Ano ba yan... sa lahat ng Sundays ngayon pa nagsimba." Sinabi nya ng mahina at tumingin muli sa harap. ... Isang magandang babae ang tumango sa kanya na may cute na smile. "Peace be with you." Napatigil si Maria sa magandang babae na nasa harap nya. Parang nung araw na yun natutunan nya na masaya pala magsimba tuwing Sunday. "H-Hah?" Siniko sya ng kanyang mama at inulit ang sinabi Ng dalaga. "Peace be with you daw anak." "Ah- oo nga, peace be with you po." Every Sunday after that, may attendance sya para makita lang ang magandang ate sa simbahan. Kakaiba talaga si Maria Clara Dimatuwid.