Si Kayel ay isa sa mga Pinagpala o mga taong mayroong kapangyarihan, isang talento na hindi mapapantayan, bayani sa karamihan, at kakayahan na walang hanggan. Ngunit sa laban ng pag-ibig, paano ba ang isang katulad niyang makapangyarihan? A story set in modern Philippines whereas, apart from technology, there is magic... and monsters. Ngunit higit sa madugo at maaksyong pakikipaglaban, ito ay kwento ng pag-ibig, dahil sa katulad ni Kayel, mas madaling makipaglaro kay kamatayan kesa madawit sa gera na ang tawag ay pagmamahalan. Hanggang saan ba siya dadalhin ng prinsipyong pilit pinapanindigan sa harap ng babaeng lahat ata ng batas ay hindi niya magawang sundan?