"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon ang malaking rebolto ng Moon goddess Nagbigay pugay siya at iniwan ang templo ...... "Pinatawag ko kayong lahat,upang ipaalam ang na nawawala muli si Davon" "Ano?na naman?paano nangyari iyon ?"agad na napatanong ang Pinuno ng mga taong ibon "Iyon ang dapat nating alamin, kailangan natin si Davon " Aniya ni Weeru "Malaking problema ito"komento ni Aliso na pinuno ng mga buwaya "Huli kong balitang natanggap ,may nakasaksi sa kanya ng isang umaga na nakikipag laro pa sa mga usa.Subalit ng iyon na lamang ang huling impormasyo at bukod don wala na."Weeru na namumroblema. Bumukas ang pintuan ng silid ,lahat sila ay napatingin "Weeru!may dapat kang malaman..si Dav ,sinabi sa akin ng mga paru-paro nakita nilang tumawid si Dav sa lagusan "habol hinga pa ito sa pagod "Ano?!saang lagusan?"pinuno ng mga alakdan "Lagusan patungo sa mga taong lobo" Tugon nito kitang kita ang pag aalala Napasinghap ang karamihan sa loob ng silid "Huh?!hindi maaari..bakit niya iyon ginawa"namumutlang sabi ng pinuno ng mga kuneho. Takot na takot ito 'Malaki nga itong problema'napapailing na sabi na sa isipan ni Weeru