Isang dalaga na may malalim na koneksyon sa Mayon. Bagamat hindi na maalala ang tunay na mukha ng kanyang unang pag-ibig, patuloy pa rin niyang dama ang kanyang presensya sa bawat pagtanaw sa bulkan. May taglay na tapang at determinasyon na harapin ang kanyang nakaraan at hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig. Cadhler Briz Warzon, ang pangalan ng isang binata na bumalik sa Bicol upang hanapin ang babaeng kanyang unang naibigan noong bata pa sila. Gayun pa man tulad rin sa dalaga ay hindi narin nya matandaan ang mukha nito, ngunit ang kanyang pagmamahal sa kanya ay nananatili parin. May taglay na misteryo at pangarap na muling makita at muling mapangiti ang dalaga sa piling niya. Makikilala pa kaya nila ang isa't isa? o magpapangap nalang na hindi kilala ang isa't isa?