24 parts Complete Sa mundong ang mga tao ay nais makalimot, may babaeng nais maalala ang lahat, maging ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Si Coral Presley, siya ay isang babaeng minamahal ng maraming tao dahil sa kagandahan ng loob nito at pagiging pursigido sa pagkamit ng pangarap. Marami ang natutuwa sa kaniya, kahit kailan ay hindi niya binibigo ang mga nakapaligid at umaasa sa kaniya. Ngunit sa kabila ng kanyang kabaitan at dalisay na puso, mayroon padin talagang mga sakim, makasarili at naiinggit sa kanyang naabot kaya naman nakaramdam ng galit ang mga tao. Dahil sa pagkamuhi kay Coral, isang trahedya sa buhay niya ang kanyang kinaharap--- the day she woke up not knowing what happened yesterday.
Nawala ang kaniyang ala ala. Wala siyang kamalay malay na ang araw na ginigisingan niya ay lumipas na. Tulad ng isang panaginip ang kaniyang ala ala, madaling makalimutan.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may lalaking nainlove sa babaeng ito. Pero kaya pa ba niya itong mahalin kung hindi na nito kayang panatilihin ang mga alaalang kasama siya? At kaya paba niya itong mahalin sa oras na malaman niya ang pinakatatagong sikreto ng iniibig?
"Paano ko nga ba mamahalin ang katulad niya, na maging ako'y hindi naman niya maala ala?"
Status: Completed