Si Jethro Magnus, ang pinakamagaling na espesyalista sa armas sa mundo, ay nalipat sa isang alternatibong mundo. Pinagsama ang kanyang kaluluwa sa Rebirth Martial Emperor, nagkaroon siya ng pambihirang lakas at kakayahan. Sa kanyang bagong anyo, tinutunan niya ang makapangyarihang Nine Dragons War Sovereign Technique, na nagbibigay sa kanya ng kakayahang durugin ang kanyang mga kaaway.
Sa bagong mundong ito, hindi lamang siya bihasa sa martial arts, kundi pati na rin sa paggawa ng gamot, armas, at sining ng inskripsyon. Natutunan niya na ang tunay na mastery ay nakasalalay sa pagsasanib ng lahat ng kasanayang ito. Habang tinatahak niya ang kanyang landas, nahaharap siya sa mga makapangyarihang kalaban at kumplikadong hamon.
Sa kanyang paglalakbay, nakikilala siya ng iba't ibang makapangyarihang kababaihan na nagdadala ng mga bagong pagsubok at pag-pinsala sa kanyang pakikipagsapalaran. Ang bawat hakbang ay isang pagsubok sa kanyang lakas at katalinuhan, na naglalayong makamit ang tunay na soberanya at ang kanyang lugar bilang War God.
Legend of the War God ay isang kwento ng aksyon, pakikipagsapalaran, at paglalakbay patungo sa kadakilaan. Ito ay puno ng kapana-panabik na laban at mga lihim na nag-aantay na matuklasan.
DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023
18 parts Complete
18 parts
Complete
Si Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan.
Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan.
Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation.
Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo.
May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman?
Makakamit ba ni Van Grego ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay?
Halina't samahan natin si Van Grego sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.