Ang noon ay inakalang masayang pamilya ni Lia, ay isang bangungot na sisira sa buong pagkatao niya. Hindi man siya sigurado sa laban na kakaharapin niya pero handa siyang maghiganti at singilin ang mga taong nagkaroon ng malaking pagkakasala sakanya. Kung noon ay isa siyang santa na larawan ng kabutihan ngayon ay isa na siyang apoy na naglalagablab sa tindi ng sidhi at init na nabuo dulot ng galit niya. Sa pagdating ng isang estranghero, mapalambot ba nito ang puso niyang nilamon na ng galit? O pababayaan ba siya nitong mabuhay na lamang sa matinding pasakit? ___________________________________ "Kung katangahan ang piliin kita, mas malaking katangahan kung pakakawalan kita" ___________________________________ A NOVEL WRITTEN BY Rad Windsor