High school life...
-- Isa sa mga pinakamahalagang parte ng buhay ko, WILDEST PATH na napuntahan ko.
Gusto ko sanang idaan sa isang ONE SHOT sharing yung high school life ko. Ganyan pag high school e, "SHARE SHARE DIN! :)"
Marami kayong mapupulot na iba't ibang klaseng kemerut sa one-shot story na 'to. Tulad ng: Kilig! (ito talaga yung nauna 'no?), saya, lungkot, pagkakaibigan at pamilya.
Kikiligin kayo sa bawat crush na halos muntik ko ng ikamatay, matutuwa kayo sa bawat hampasan, suntukan namin ng mga best friends ko, considering the fact na mas nakakatawa talaga yug tawa namin kaysa sa joke, at syempre, hindi mawawala ang minsan bagabag ng lungkot dahil sa problema.
Baka nga nakalimutan ko na yung mga tinuro ng Math teacher namin na Algebra nung Freshmen pa ko, pero ang hindi ko makakalimutan ay yung minsan kong pag-iyak dahil dun. I can't ever forget that. Grabe. O kaya naman yung minsan kong pagkapahiya sa commercial namin sa English. Kaasar yun! I almost walked out from the scene, nakakahiya. Yet, it gave me more motivation.
Sandamakmak na lessons man ang dumaan sa utak ko na parang pison, sandamakmak ring lessons ang forever babaunin ko sa BUHAY ko.
Sana habang binabasa mo 'to, kung ikaw ay pa-high school pa lang, baka ito yung maging mundo mo like nung akin. Kung naranasan mo naman na 'to, you're lucky to survive the most wildest path of your life... ANG HIGH SCHOOL LIFE...
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.