Isang anghel na itinakwil mula sa langit ay napunta na ngayon sa mundo ng mga demonyo. Ngunit hindi niya matanggap ang kanyang kinahinatnan. Ang anghel na nahulog mula sa langit ay si Caden. Si Caden ay umaasa pa rin na makababalik siya sa langit. Gagawin niya lahat upang bumalik lamang sa piling ng Poong Maykapal.